Bagong Buhay Lodge No. 291

Bagong Buhay Lodge No. 291
Under the jurisdiction of Gran Oriente Espanol (August 11, 1907)

Monday, March 3, 2008


KAPATIRANG TUNAY…
Isang Tula
Ni: Kap. Jun Necessario

Simula ng ako'y maging isang Mason

Kaliwa't kanan ang aking Kapatid

San man dako maging sa ibang bayan

Dayuhang kapatid kaagapay ko.Kami'y magkasama sa lahat ng Gawain

Obligasyon man at ibang tungkulin

Maghapon magkasama hanggang sa uwian

Pilit tinatapos para sa kapatid

Subalit ngayo'y ibang kapatid

Pilit pinuputol ugnayang nabuo

Sila'y itinuring tunay na Kapatid

Maging kailanman, hanggang sa huling buhay

Tunay na Kapatid ayaw palayain

Na ang tanging mithi maayos na Kapatiran


Sa maayos na samahan

At matatag na LipunanSari-saring kutya pilit inuunawa

Di batid makakasama sa Lipunan

Ang tanging Dasal sa may LUMIKHA

Alitang umiral mawala ng tuluyan.

No comments: